Season’s Greetings!

Note: Pang-December 2011 ito, gusto ko lang i-share ulit dahil hindi ko napublish. Thank you J 

Season’s Greetings!

By Jomar Bernasol

 

Malapit na ang Pasko at masasabi kong excited ako. Hindi ko alam bakit ako excited, pakiramdam ko kasi maraming pera ang tao at marami ang nagbibigayan. Hindi ako masaya para sa sarili ko, masaya ako para sa ibang tao. Minsan lang sa isang taon ang Pasko at minsan lang din magkaroon ng bagong damit para sa karamihan sa atin. Ang Pasko para sa akin ay pagbibigayan. Bigay lang ng bigay kahit walang natatangap. Joke. Kawawa ka naman.

 

Siguro naman kahit sino sa atin, naranasan ang mag-exchange gift o Kris Kringle. Ito ‘yung everyday may something na dapat ibibigay tulad ng something soft, something long, something useful, at something. Something nga e. Noong elementary kami, pinag-imbento kami ng code name na gagamitin para sa Kris Kringle. Hindi ko na matandaan kung anong ginamit  kong codename pero ‘yung sa katabi ko - Loverboy. Kung lover talaga ang kaklase kong iyon, hindi ako nakakasigurado. Sa last day ng Kris Kringle magaganap ang karumal-dumal na exchange gift. Hindi mo alam kung ano ang ibibigay sa’yo.

 

Dahil worth 50 pesos lang ang kinaya ng mga kaklase ko, ‘yun ang lowest price dapat ng ireregalo. Maraming pwede iregalo kapag exchange gift lalo na kapag elementary. Madalas, mga magulang natin ang namomroblema sa ireregalo natin. Nang mabuksan na ang mga regalo, heto ang kanilang natanggap:

  • iba’t-ibang klase ng picture frame
  • walang kamatayang alarm clock
  • slum book, kung saan pinapasagutan ang mga kaibigan kung sino ang first love nila at crush
  • kahon ng katol na may lamang face towel at sabon, kung regaluhan ka parang hindi ka naliligo
  • stuff toy, pero joke lang dahil cannot afford ang ganon

 

 

 

Habang tumatagal, tumataas ang halaga ng exchange gift. Noong nagkaroon na ako ng trabaho, umabot sa 300 ang limit ng exchange gift. Dahil maraming tao ang nadidis-appoint sa natatanggap nila, nauso ang pagkakaroon ng wishlist. Magbibigay ka ng Top 5 na bagay na gusto mong matanggap. Dahil napakaseryoso kong tao at masyado akong realistic, isinulat ko ang Top 5 na regalong gusto ko matanggap: bagong laptop, bagong digicam, bagong cellphone, at ang huli, perang magagamit ko para magka-cable sa bahay. Oo ‘yun ang gusto ko noon. Makakapanood ako ng lahat ng channel.

 

Pagdating ng araw ng Christmas Party, excited ako dahil iniisip ko kung saang bangko naghanap ng pera ang nakabunot sa akin para ibili niya ako ng laptop, cellphone, o camera. Hindi ko makita ang pangalan ko sa mga regalong nasa mesa, malamang nasa delivery pa. Nang matawag na ako, ang niregalo ng nakabunot sa akin ay isang sobre. Pagbukas ko ng sobre, may sulat. Pagkabasa ko natawa ako: “Sana makatulong ito sa pagpapalagay mo ng cabel” at mayroong 350 pesos. Wow! Kumita ako ng 50 pesos dahil 300 lang ang limit. Nagmukhang donasyon ang exchange gift namin.

 

Last Christmas, nakita ko si Santa Claus. Joke. Si Tito Rod Bravo ang nagsilbing Santa Claus. Namigay ata siya ng candy sa Simbahan. Hindi ko alam kung totoo si Santa Claus o niloloko lang tayo ng mga magulang natin. Ikaw naniniwala ka ba na may Santa Claus? Sabi ni Richneil Bravo, noong bata siya naniniwala daw siya. Kaso nahuli nga lang niya ang nanay niya kaya nalaman niyang hindi totoo si Santa Claus. Natatak sa isipan ng maraming tao na tuwing Pasko, magsusulat ng wishlist at magsasabit ng medyas. Puro materyal na bagay ang hinahangad. Sumusulat ka din ba kay Santa Claus para makatanggap lang ng regalo? Marami ang nakakalimot ng tunay na kahulugan nito.

 

Bilang isang Katoliko, nakakalungkot isipin na mas maraming tao ang naniniwala kay Santa Claus at nakakalimutan ang pag-alaala sa kapanganakan ni Jesus Christ. Totoo dahil sa mga Christmas Decoration, mas madalas mo makikita si Santa Claus kasama ang mga reindeer.

 

why Jesus is greater than santa claus?

 

santa lives at the north pole.

JESUS is everywhere.

 

santa rides in a sleigh.

JESUS walks on the water.

 

santa comes but once a year.

JESUS is an ever present help.

 

santa fills your stockings with goodies.

JESUS supplies all your needs.

 

santa lets you sit on his lap.

JESUS lets you rest in His arms.

 

santa has a belly like a bowl full of jelly.

JESUS has a heart full of love.

 

all santa can offer is ho ho ho.

JESUS offers Health, Help and Hope.

 

while santa puts gifts under your tree.

JESUS became our gift and died on a tree.

Yes, from sin He sets us free!

 

Have a Merry Christmas Everybody!

  1. jomarbernasol reblogged this from jomarsjournal
  2. jomarsjournal posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/Z0ENdwFU_oXS